Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nasolusyunan na ba ang katiwalian sa bansa?


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
TUESDAY, 11 FEBRUARY 2020
7:15 PM, GMA NEWS TV

Bagsak ang Pilipinas sa 2019 Corruption Perception Index na inilabas ng international watchdog na Transparency International nitong Enero. Nakakuha ang Pilipinas ng score na 34/100 at pumwesto sa ika-113 sa 180 na bansa. Ito ang pinakamababang puwestong kinalagyan ng bansa mula 2012. Ano nga ba ang implikasyon nito sa bansa at sa laban ng gobyerno kontra katiwalian?

Ayon kay Attorney Manuelito Luna na nangunguna sa Technical and Monitoring Division ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC, lihis daw sa katotohanan ang Corruption Perception Index. Paliwanag ni Luna, “Ang basehan po natin ay ang aming record. Marami na po ang napaalis na opisyales. If I’m not mistaken, around 200 plus have been fired since the President took over the reigns of power in 2016.” Dagdag ni Luna, ang ilang mga natanggal sa puwesto ay matataas na opisyal. Mahigit 400 naman ang kasalukuyan nilang iniimbistigahan.

 


 

Sa panayam ni Mareng Winnie kay PACC Commissioner Luna, napag-usapan ang mga naging hakbang ng gobyerno laban sa katiwalian tulad ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, Anti-Red Tape Authority, at mandatory lifestyle checks sa mga opisyal. Pinangalanan din ni Mareng Winnie ang umano’y pinakatiwaling mga ahensya ng gobyerno pati ang mga kontrobersyal na kaso ng mga opisyal na tinanggal sa puwesto at ibinalik din kalaunan sa gobyerno ni Pangulong Duterte.

Inusisa rin ni Mareng Winnie ang tila kawalan ng kapangyarihan ng PACC na kuwestyunin ang Pangulo. Iginiit ni Atty. Luna na bilang empleyado ng gobyerno, hindi nila ito maaaring gawin, ngunit karapatan ng lahat ng mamamayan na magreklamo.“I’m calling on the citizens to help us. To report to us lahat ng kalokohan na ginagawa ng mga opisyales ng gobyerno. Be they high or low officials, from all branches of government,”panawagan niya.



Ayon naman kay Dr. Ela Atienza, Propesor ng Political Science mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, hindi epektibo ang mga aksyon ng gobyerno kontra katiwalian. Hindi pa raw ganap ang implementasyon ng mgaito at hindi rin mahigpit na sinusunod. Kinuwestiyon niya rin ang PACC dahil hindi tiyak ang kalayaan nila mula sa impluwensiya ng Presidente at ng pamahalaan.

Totoo na nga ba na nalilinis na ang hanay ng mga tiwali? Epektibo ba ang laban ng pamahalaan kontra-katiwalian? Alamin natin ang katotohanan ngayong Martes, 7:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.


-------


Corruption in the Philippines has worsened. This is according to the 2019 Corruption Index released by Transparency International where the Philippines scored a dismal 34/100, significantly lower than the regional average of 54. The Philippines ranked 113th out of 180 countries -- the lowest since 2012. According to Presidential Anti-Corruption Commissioner Atty. Manuelito Luna, the numbers are far from reality. He states that the Duterte administration together with PACC has been successful in fighting corruption. Luna says they have fired corrupt government officials and there are more than 400 being investigated. Is the Duterte administration successful in cleaning up its ranks or are they just covering up the grime of corruption? Find out this Tuesday, 7:15pm on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.