Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano nga ba tayo makatutulong sa mga batang may kanser?


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE: LOVE SHINES
TUESDAY, 24 DECEMBER 2019
7:15 PM ON GMA NEWS TV

Ngayong bisperas ng Pasko, kukumustahin ni Mareng Winnie ang isang grupong naghahangad na makatulong sa mga batang nangangailangan -- ang Love Hope Faith Group. Isa itong social enterprise na sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga T-shirt at relo, ay nagbibigay ng tulong pampinansiyal sa mga batang may kanser.

Isa sa mga natulungan ng grupo si Zedrick, 12 taong gulang, na ngayo'y isa nang cancer survivor. Tandang-tanda pa raw ni Zedrick ang sakit na kanyang pinagdaanan sa murang edad. Ang kanyang amang si Rene, naluha nang ikuwento ang masalimuot na pinagdaanan ng kanilang pamilya. Aniya, “Sobrang hirap po ma’am. Halos naibenta po namin lahat ng meron kami. At ang hirap po na makita na ganyan ang kalagayan niya.”

Ang hirap at lungkot, pangkaraniwan na sa mga batang may cancer at sa kanilang pamilya. Para bigyan sila ng pag asa at saya ngayong Pasko, mga palaro, masasarap na pagkain, at simpleng regalo ang hatid ng Bawal Ang Pasaway sa mga batang benepisyaryo ng  Love Hope Faith Group katuwang ang Rotary Club of Metro Aurora. Kalahati ng kita ng LHFG ay napupunta sa mga batang may cancer.

 

 

Kasama rin ng Bawal ang Pasaway sa gift giving ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Malapit ang loob ni Rhian sa mga bata. “Alam ko yung feeling na kapag unang rinig mo na either may cancer ka or may cancer ang isang importanteng tao sa buhay mo, yung pinakaunang feeling na pumapasok para agad walang hope,” ibinahagi ni Rhian. Cancer survivor ang ina ni Rhian.

 

 

Mahirap at matindi ang laban sa cancer. Kinakaya ito ng mga bata kasama ang kanilang mga pamilya at mga sumusuportang organisasyon dahil sa nag-uumapaw na pag-ibig, pag-asa at pananampalataya.

Gaano ba kahirap ang pinagdaraanan ng mga batang may kanser at paano nga ba nadudugtungan ng mga organisasyon tulad ng Love Hope Faith Group ang kanilang mga buhay? Tunghayan ang mga kuwento ng pag-asa at paglaban sa panayam ni Mareng Winnie kanila Zedrick at sa Love Hope Faith Group sa Martes, 7:15pm, sa Bawal Ang Pasaway kay Mareng Winnie.

ENGLISH:

Bawal ang Pasaway brings love, hope and faith to kids with cancer this Christmas season.

The laughter and smiles of the kids and their families filled the room as Bawal ang Pasaway together with Kapuso actress Rhian Ramos and Rotary club of Metro Aurora played games and gave gifts to them. The kids are the beneficiaries of the Love Hope Faith group, a social enterprise that sells watches and T-shirts to help fund the treatment of kids with cancer.

Let’s take a break from the political issues this Christmas season and find out how we and a social enterprise can bring love hope and faith to kids with cancer on the December 24 episode of Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.