Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mababang immunization rate sa Pilipinas, sanhi ng madaming outbreak?


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MARTES, 22 OCTOBER 2019
7:15 PM SA GMA NEWS TV

Sunod-sunod ang napabalitang mga epidemya sa ating bansa kamakailan. Polio, tigdas at dengue ang ilan lang sa mga ito. Ang itinuturong may sala – ang hindi pagpunta ng mga magulang sa health center para ipabakuna ang kanilang mga anak at ang pangamba sa peligrong dulot nito, lalo na noong magkaroon ng issue tungkol sa dengue vaccine.

Bumaba ang vaccine confidence rate ng bansa mula 93% taong 2015. Bumagsak pa ito sa 32% noong nakaraang taon, ayon sa London School of Hygiene and Tropical Medicine.

Sa panayam kay Mareng Winnie, isinaad ni Department of Health Secretary Francisco Duque, 95% ang kanilang target immunization rate para maiwasan ang transmission ng anumang virus. Aniya, “There’s a possible greater outbreak kung mayroon tayong very low immunization rate.”

 

 

Hinikayat ni Duque ang magulang na magpunta sa mga health center. Libre at ligtas ang mga bakuna ayon sa kalihim. Huwag daw mag-alinlangan dahil kinabukasan ng mga anak nila ang nakasalalay dito. Pero ang tanong, sa susunod na taon, maaabot pa ba ng DOH ang kanilang mga target kung tatapyasin na ang kanilang budget? Mula P98.6-B bumaba ito sa P88-B para sa 2020.

Ani Duque, “Umaasa ako na darating ang araw na mataas ang nasasaklawan ng programa sa mga bata.” Dagdag pa ng kalihim, “Pero hindi lang kami, dapat kasama namin ang pamahalaang lokal, pamilya, barangay at lalo na ang mga nanay. Mahalaga ang bakuna na matagal nang ginagawa para sa kaligtasan ng mga anak."


Kaliwa’t kanan na epidemya, tiwala ng publiko at budget ng kagawaran. Ang tugon at gamot ng Department of Health ukol sa mga ito, alamin sa Martes kasama si Sec. Francisco Duque sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 7:15PM sa GMA News TV.

----

In the past few months, polio, measles, and dengue have been in the headlines. The Department of Health attributes this to parents' failure to go to  health centers to have their children vaccinated and to the dengue vaccine issue. Last year, the London of School of Hygiene and Tropical Medicine noted that the  vaccine confidence rate in the Philippines was at a dangerously low 32%. According to Health Secretary Francisco Duque, DOH is working very hard on a 95% immunization rate this year. However, will they be able to meet their target given the distrust of the public?

Will they be able to sustain their plans and programs until next year with the budget cut from P98.6-B to P88-B? Let's take a look at the plans and prognosis of the current health situation in the country with Health Secretary Francisco Duque this Tuesday, 7:15pm on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie on GMA News TV.