Isyu ng pagmimina sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'

PAGMIMINA SA PILIPINAS, DAPAT NA BANG IPATIGIL?
LUNES, 24 SEPTEMBER 2018
10:15 PM ON GMA NEWS TV
Matapos manalasa ng Bagyong Ompong at magka-landslide sa Itogon, Benguet, naungkat muli ang mga isyu ukol sa pagmimina sa Pilipinas.
Ayon kay Jaybee Garganera ng Alyansa Tigil Mina, ilan sa epekto ng pagmimina ay ang pagkawala ng agrikultura, tubig at ang displacement ng mga indigenous people.
Dagdag ni Dr. Cielo Magno ng UP School of Economics, kaunti lang ang napakikinabangan ng gobyerno sa kita ng mga kumpanya ng mina. Aniya, maliit lang ang buwis na binabayaran ng mga kumpanya, kumpara sa kanilang kinikita at sa epekto ng pagmimina. Para sa kanya, dapat tutukang mabuti ang pangongolekta ng buwis sa mining companies dahil marami sa mga ito, hindi umano nagbabayad ng tama. May ilan rin umano na hindi nagbabayad ng royalties.
Para naman kay Department of Environment and Natural Resource Undersecretary Benny Antiporda, dapat na maipatupad nang mabuti ang batas. Nararapat rin umano na hindi pagsabay-sabayin ang paggawa sa minahan. Dapat umano na i-rehabilitate muna ang minahan bago lumipat sa iba.
Panahon na nga bang ipatigil ang pagmimina sa bansa? Alamin yan sa Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.