Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Maging 'Alisto' sa banta ng baha kapag may bagyo!


BANTA NG BAHA AT EMERGENCY UNITS TO THE RESCUE NGAYONG MARTES SA ALISTO, NOVEMBER 3, SA GMA NEWS TV!

 

 

 

ALISTO!

AIRING DATE: NOVEMBER 3, 2020

Ayon sa PAGASA, mula Mayo hanggang Oktubre ngayong taon, labing-anim na bagyo na ang nanalasa sa bansa. Inaasahang walong bagyo pa ang papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility hanggang matapos ang taon.

Tuwing may banta ng baha, hindi lang kabuhayan kundi pati buhay ang maaaring mawala. Paano nga ba magiging ligtas kapag naharap sa ganitong peligro?

Kapag nakulong ka sa loob ng sasakyan at unti-unti itong lumulubog sa baha, dapat nga bang basagin agad ang bintana ng sasakyan? Alamin ang kasagutan sa “AlisTOTOO ba?” 

Sa Ilocos Norte, isang pahinante ang nadaganan ng mga bakal matapos tumagilid at matumba ang sinasakayang trailer truck. Saksihan ang maaksyon rescue operation ng Bangui Bureau of Fire and Protection.

Sa “Alisto ka ba?” alamin kung ano ang dapat gawin sakaling mawalan ng kontrol ang iyong sasakyan habang paliko sa isang kurbadang kalsada.

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto ngayong Martes sa bago nitong timeslot, 10:30 PM, pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV kasama si Igan Arnold Clavio.

Hindi ka biktima! Maging, Alisto!

ENGLISH VERSION

The episode discusses the dangers of flashfloods caused by typhoons. Experts share flood safety tips and preparations. Know the steps you should take if your car is caught in a flood. Another segment will feature how rescue operations brave the challenges during emergencies. Experts also share steps on how to drive around a sharp curve or corner on highways.