Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Maging 'Alisto' sa extreme sports!


 

 

EXTREME SPORTS GONE WRONG AND GOOD SAMARITANS SA ALISTO NGAYONG MARTES, OCTOBER 27, SA GMA NEWS TV!

ALISTO
AIRING DATE: OCTOBER 27, 2020


Ilang extreme sport enthusiasts ang nalagay sa peligro habang gumagawa ng stunts tulad ng skateboarding at motorcycle extreme exhibitions. Ayon sa eksperto, may tatlong uri ng injury na madalas natatamo sa ganitong uri ng sport. Una, ay ang strain o pagkabatak ng muscle o laman, ang ikalawa ay sprain o pinsala sa litid, ligaments, at tendon at ang pangatlo ay ang fracture o pagkabali ng buto. Alamin paano magiging ligtas tuwing sasabak sa extreme sports.

Samantala, isang paslit na pinagmamalupitan ng kaniyang sariling ina ang nailigtas  dahil sa pagmamalasakit ng ilang kapitbahay. Isa pang paslit na nasagasaan ang nirespondehan ng mga nakasaksi sa aksidente. Ilang good Samaritans, caught on cam!

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto ngayong Martes sa bago nitong timeslot, 10:30 PM, pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV kasama si Igan Arnold Clavio. Hindi ka biktima, maging Alisto!

ENGLISH VERSION

The episode will feature steps on how to prevent and address extreme sports injuries sustained from skateboarding and dirt bike jumping. One segment showcases stories of good Samaritans who went out of their way to help others in dire situations that threaten their safety and security.