ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mas ligtas na pagbibisikleta sa kalsada, tampok sa 'Alisto!'


NEW EPISODE! BIKE SAFETY SA NEW NORMAL AT FIRE RESCUE NGAYONG MARTES SA ALISTO, AUGUST 18, 9:15 PM SA GMA NEWS TV!

 

 

ALISTO!
AIRING DATE: AUGUST 18, 2020

Dahil limitado ang transportasyon ngayong may community quarantine sa bansa, pagbibisikleta ang naging alternatibo ng mga commuter lalo na sa Metro Manila. Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, mahigit 500 bike accidents ang naitala mula Marso hanggang Hulyo ngayong taon. Mas marami raw ito kumpara sa mga nagdaang buwan bago ang pandemya. Ngayong new normal, paano nga ba magiging ligtas ang mga siklista sa kalsada?

Mga fire incident ngayong quarantine...caught on camera! Ngayong karamihan ay nananatili sa loob ng bahay, nagiging madalas ang paggamit ng appliances. Ipinapayo ng Bureau of Fire Protection o BFP ang regular na pagmamantina sa mga ito para masigurong nasa maayos ang kondisyon para maiwasan ang sunog. Base sa datos ng BFP, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, mahigit dalawang libong residential fire sa bansa ang naitala. Ibabahagi rin ng ilang miyembro ng Response Fire Volunteer ang mga pagbabago sa kanilang safety protocol sa pagresponde sa sunog ngayong may pandemya.

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto kasama si Igan Arnold Clavio, ngayong Martes sa bago nitong timeslot, 9:15 PM, pagkatapos ng Bright Side, sa GMA News TV.

Hindi ka biktima! Maging... Alisto!