Mga nadisgrasyang siklista sa daan, tampok sa 'Alisto!'
ALISTO!
AIRING: JUNE 23, 2020
Tag-ulan na naman mga Igan. Ang mga natural hazard tulad ng paghagupit ng bagyo at pananalasa ng buhawi ay nakuhanan ng video. Ang peligrong dulot ng landslide, paano nga ba maiiwasan? Samantala, alamin kung ano ang pagkakaiba ng buhawi at ipo-ipo. Ibabahagi ng eksperto ang mga dapat gawin para maging ligtas mula sa hagupit ng kalikasan.
Tututukan din ang mga disgrasyang kinasangkutan ng mga bisikleta. Para sa mga hobbyist, ang bisikleta ay ginagamit sa pangangarera, pag-eehersisyo, at physical training. Patok din itong means of transportation ngayong may community quarantine.
Pero paano nga ba ligtas na makikipagsabayan ang mga bisikleta sa ibang sasakyan?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
Experts share pointers on how to stay safe during natural disasters like typhoons, landslides, tornado, and waterspout. Tips on how to secure your homes that can weather natural disasters are also discussed. Another segment examines the causes of bicycle crashes. Bicycle safety advocates talk about injury prevention.