Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kawatan, may sariling OOTD?


ALISTO!
AIRING DATE: JUNE 9, 2020

MGA AKSIDENTE SA TAG-ULAN AT O-O-T-D NG MGA KAWATAN NGAYONG MARTES SA ALISTO, JUNE 9, PAGKATAPOS NG SAKSI SA GMA!

Ngayong tag-ulan, ibabahagi ng eksperto ang mga dapat gawin para maging ligtas ang inyong biyahe. Kapag tumila ang ulan, nagiging delikado ang kalsada dahil sa langis at kemikal na humahalo sa tubig. Sa isang demo kasama ang Tanza Cavite Bureau of Fire Protection, ipakikita kung paano kumakalat at nagiging delikado ang presensya ng langis sa kalsada tuwing umuulan.

Samantala, sakaling umatake ang ilang kawatan sa kabila ng GCQ, alamin ang karaniwang fashion statement nila para makapambiktima. Ayon sa eksperto, mahalaga para sa mga kawatan ang kanilang pananamit lalo na kapag umaatake.  Ang iba’t ibang outfit of the day o OOTD ng mga kawatan, ano nga ba ang papel sa pambibiktima? Alamin ito sa mga insidente ng pananalisi na hulicam.

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!