OOTD ng mga kawatan, alamin!
ALISTO!
AIRING DATE: JULY 2, 2019
Ngayong tag-ulan, ibabahagi ng eksperto ang mga dapat gawin para maging ligtas ang inyong biyahe. Kapag tumila ang ulan, nagiging delikado ang kalsada dahil sa langis at kemikal na humahalo sa tubig. Sa isang demo kasama ang Tanza Cavite Bureau of Fire Protection, ipakikita kung paano kumakalat at nagiging delikado ang presensya ng langis sa kalsada tuwing umuulan.
Samantala, alamin ang fashion statement ng mga kawatan para makapambiktima. Ayon sa eksperto, mahalaga para sa mga kawatan ang kanilang pananamit lalo na kapag umaatake. Ang iba’t ibang outfit of the day o OOTD ng mga kawatan, ano nga ba ang papel sa pambibiktima? Alamin ito sa mga insidente ng pananalisi na hulicam.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
Road travel during the rainy season becomes precarious, causing an increase in road traffic crashes. Rainwater usually washes oil from vehicles off the roads. A demonstration will show how oil and grease result in slick roads. Motorists are more likely to lose traction on the road. Meanwhile, authorities warn the public on the tactics thieves use to victimize their target.