Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mga insidente ng domestic violence, tututukan sa 'Alisto'


ALISTO!
AIRING DATE: FEBRUARY 12, 2019

advertisement

Ang bawat relasyon ay dumaraan sa pagsubok. Sa ilang pagkakataon, may mga alitan at hindi pagkakaunawaan na humahantong sa sakitan. Isang misis ang sinaksak ng kaniyang live-in partner. Samantala, sinapak naman ng isang lalaki ang kaniyang misis dahil diumano sa pambababae. Ang pananakit sa karelasyong babae o sa asawa ay labag sa batas sa ilalim ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act. Pero paano kung ang lalaki o si mister naman ang sinaktan?

Automatic o manual ba ang inyong sasakyan? Alamin kung paano magiging ligtas ang inyong pagmamaneho depende sa uri ng transmission para iwas-disgrasya.

Abangan ang lahat ng aksyon sa alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

 

ENGLISH VERSION

Incidents of domestic violence are caught on video. A woman suffered injuries after being stabbed by her live-in partner. Meanwhile, wife hits her husband over suspected cheating. Another segment demonstrates the defensive driving techniques for automatic and manual transmission vehicles.