Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga aksidente sa motorsiklo at insidente ng bullying, tututukan sa 'Alisto'


ALISTO!
AIRING DATE: FEBRUARY 5, 2019

Ang aksidente sa motorsiklo ay kalimitang nagsisimula sa paggewang at pagdulas nito. Kapag nag-wobble o gumewang at dumulas ang motorsiklo, ibig sabihin, nawawala ang traction o umaangat ang gulong nito. Mayroon ding tinatawag na weaving o paglilipat-lipat ng linya ng motorsiklo na nagiging sanhi rin ng disgrasya. Paano nga ba maiiwasan ang tuluyang pagsemplang sakaling gumewang ang takbo ng iyong motorsiklo? Tatalakayin din ang bullying. Ayon sa eksperto, kadalasang pisikal na pananakit ang pinakamadalas na uri ng bullying. Ano ang tumatakbo sa utak ng isang bully? Paano dapat rumesponde sakaling ikaw ay mabiktima nito.



Abangan ang lahat ng aksyon sa alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

ENGLISH VERSION

The episode illustrates tips on how to prevent motorcycle weave and wobble oscillations. Experts offer the best course of action to allow the motorcycle to decelerate and avoid road crashes. Bullying is also tackled in another segment. It discusses ways to deal with bullies and how to empower witnesses to intervene and stop this form of violence.