Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Run-over accidents at crimes against property, tututukan sa 'Alisto'


ALISTO!
AIRING DATE: JANUARY 15, 2019

Ano ang dapat mong gawin sakaling magulungan ka ng sasakyan at mayroon ka pang malay? Iyan ang tips na ibibigay ng eksperto sa mga insidente kung saan pumailalim sa sasakyan o kaya ay nagulungan ang ilang motorista. Ayon sa eksperto, kapag ang isang tao ay nagulungan ng sasakyan, depende sa uri, bigat, at gulong ng sasakyan ang pinsalang maaaring idulot sa biktima. Sa isang eksperimento kasama ang isang physicist, alamin kung gaano katibay ang buto ng tao at kung gaano kalalang pinsala ang maaaring matamo kapag nagulungan ito ng sasakyan.

Samantala, alamin ang iba’t ibang klase ng property crimes. Base sa Revised Penal Code, maaaring sampahan ng kasong robbery at malicious mischief ang isang tao na nanira ng gamit o anumang pagmamay-ari ng iba. Sinuman na napatunayan na nagkasala ay may pananagutang sibil at kriminal.



Abangan ang lahat ng aksyon sa alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

ENGLISH VERSION

The episode examines run over accidents. Severity of injuries sustained from these crashes depend on several factors like the kind, weight, and type tires of the vehicle. Another segment discusses property crimes. Authorities share the types of criminal and civil complaints to file against the suspects.