Mga rambol sa basketball court, tampok sa 'Alisto'
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2018/04/640_image006_2018_04_30_17_32_28.jpg)
Noong Marso, ang Pinoy Sakuragi ng PBA na si Marc Pingris, nagkaroon ng Anterior Cruciate Ligament o ACL injury habang naglalaro. Makalipas ang mahigit isang buwan kumusta na ang beteranong player? Alamin ang latest update mula mismo kay Marc Pingris.
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2018/04/640_image007_2018_04_30_17_33_59.jpg)
Maliban sa mga aksidente sa court, nagkakaroon din ng alitan ang mga manlalaro na minsan ay nauuwi sa rambol.
Sa Cavite, nauwi sa boksing ng dalawang manlalaro ang dapat sana’y basketball. Sa Batangas naman, pati ang mga manonood ay nakisali sa rambol ng mga manlalaro.
Ano ang dapat na depensa kung ang pagdribol ay mauwi sa rambol?
Hindi lang sa basketball court kundi pati sa lansangan dapat doble ingat din. Blind spot ang isa sa mga madalas na dahilan ng aksidente ng mga motorsiklo.
Paano maiiwasan ang mga aksidenteng dulot nito?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us