Tips para sa ligtas na summer outing, alamin sa 'Alisto'
_2018_04_02_17_57_08.jpg)
Summer na naman pero ang aksidente sa kalsada tila hindi nagbabakasyon. Ilang banggaan sa highway…huli sa camera! Paano maiiwasan ang mga disgrasya sa maluluwag na kalsada?
Tuwing tag-init, kabi-kabila rin ang summer outing. Para sa mga pupunta sa resort at beach, dapat maging Alisto. Batay kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority, mahigit tatlong libo ang nalulunod sa bansa kada taon. Karamihan sa mga insidenteng ito, nangyayari tuwing Abril na siyang hudyat ng summer vacation.
Kasama ang Philippine Coast Guard, alamin ang tamang pagbibigay ng cardiopulmonary resuscitation o CPR. Ituturo din ng eksperto ang mga dapat gawin kapag nakakita ng nalulunod.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!