Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga away ng magkasintahang nauwi sa karahasan, tampok sa 'Alisto'


 


Nagmahal… Nasaktan… Nagkasakitan.

Sa nalalapit na araw ng mga puso, tampok sa Alisto ang mga pagtatalo ng magkarelasyon na nauwi sa karahasan. Sa isang cellphone video, nakuhanan ang mag-asawa na nakahiga sa bangketa habang sinasaktan ang isa’t isa. Ang mga tao sa kanilang paligid, nakatayo lang at pinanood ang dalawa na parang eksena sa pelikula.

Agaw-atensyon din ang pagtatalo ng umano’y live-in partners sa Silang, Cavite. Makikita sa video ang pag-aagawan nila sa isang bag. Dahil sa pwersa ng lalaki, nakaladkad niya ang kaniyang kinakasama.

Alamin ang dahilan sa likod ng mga video at ano ang dapat mong gawin sakaling makasaksi ng ganitong pangyayari?

Samantala, caught on camera din ang mga insidenteng naglagay sa ilan nating kababayan sa bingit ng kamatayan.

Nabulabog ang isang barangay sa Lucban, Quezon matapos sumabog ang isang tangke ng LPG o liquefied petroleum gas. Ano ang dahilan ng pagsabog at ano ang dapat gawin para hindi na ito maulit?

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

Tags: pr