Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ilang modus ng mga akyat-bahay gang, tinutukan ng 'Alisto'


ALISTO!
AIRING DATE: SEPTEMBER 19, 2017


Batay sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group, mahigit sampung libong kaso ng hit and run ang naitala sa bansa mula 2007 hanggang 2016.
Isang malagim na aksidente ang nakuhanan ng CCTV camera sa Barangay Tambo, Parañaque City. Isang kotse ang nag-overtake sa isang motorsiklo. Sa isang kisap-mata, nasagi ng kotse ang motorsiklo na nasa kabilang lane. Tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo. Matapos ang aksidente, tumakas ang driver.

 


Samantala, isang pedestrian ang nalagay sa peligro sa Las Piñas City. Sa CCTV video na kuha sa Barangay Talon Singko, dalawang estudyante ang tumawid. Papasok noon sa eskwelahan ang magkaklase na kapwa labing-apat na taong gulang nang sila ay mabundol ng motorsiklo.

Anu-ano ang mga hakbang na dapat gawin sakaling maging saksi sa ganitong aksidente?

Samantala, sa pagpasok ng “ber” months, sinuri rin ng Alisto ang modus na akyat-bahay. Paano masisigurong ligtas ang iyong bahay tuwing aalis para mag-Christmas shopping o kaya ay magbakasyon?

 


Alas tres ng madaling araw nang sumalakay ang isang lalaki sa isang subdivision sa Batangas. Umakyat sa bakod at pumasok sa garahe ang kawatan. Matapos ang ilang minuto, lumabas siya na bitbit ang isang kahon na may mga lamang gamit.  Aabot sa apatnapung libong piso ang halaga ng mga gamit na natangay.

 


Ang Kapuso actress na si Valeen Montenegro, mula sa primetime series na “My Korean Jagiya”  ay magbabahagi ng Alisto tips para maiwasan na mabiktima ng modus na akyat-bahay.

May mga pagkakataon naman na imbes na makapangulimbat ay napapahamak ang ilang kawatan. Naipit ang ulo ng kawatan sa barandilya habang tumatakas siya matapos umanong tangkaing manloob sa isang bahay.


Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!