Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fire safety tips sa kalsada, ibabahagi ng 'Alisto!'


 

DATE OF AIRING:  March 14, 2017

Ngayong Fire Prevention Month. hindi lang dapat mga bahay ang binabantayan dahil delikado rin kapag ang sasakyan ang nagliyab!
Tulad na lang ng isang taxi na nagliyab sa Makati. Kuwento ng driver nito, narinig niyang pumutok ang baterya kaya mabilis siyang lumabas sa sasakyan kasama ang kanyang mga pasahero. Ilang saglit lang, tuluyang lumaki ang apoy at nilamon ang taxi! Inabot ng labing apat na minuto bago ito tuluyang naapula ng mga bumbero mula sa Makati Fire Station.
Sa Cebu City, isang cargo truck naman ang nasunog. Halos naging abo ang cargo truck sa naglalagablab na apoy na dahil umano sa electrical short circuit. Mabuti na lang at mabilis na nakalabas ang driver nito. Ano nga ba ang dapat gawin sakaling maharap sa ganitong peligro? Kasama ang Bureau of Fire Protection, magbabahagi ng fire safety tips ang Kapuso heartthrob na si Jay Arcilla.
Samantala, tinutukan  din ng Alisto ang ilang mga lalaking nag-aapoy sa galit na naghamon ng suntukan pagkatapos maglaro ng basketbol. Sa isang paliga sa Laguna, isang manlalaro ang nasiko ng kalaban.  Sa pagresbak ng kanyang ama, sumiklab ang rambol  kung saan mas marami pa ang nasaktan. Paano maiiwasan  ang ganitong init ng ulo?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!