Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Aksidente sa Tanay, Rizal na kumitil sa 15 buhay, sisiyasatin ngayong Martes sa 'Alisto!'
ALISTO
Date of Airing: February 28, 2017
Isang linggo na ang nakalipas makaraang maaksidente sa Tanay, Rizal ang bus na may sakay na mahigit limampung estudyante ng Bestlink College of the Philippines. Labinlima ang kumpirmadong namatay sa insidente kabilang ang bus driver. Lumalabas sa paunang imbestigasyon na nawalan ng preno ang bus.
Sa isang CCTV footage na nakuha ng Alisto sa barangay Sampaloc sa Tanay, kitang-kita ang pagdaan ng convoy ng mga bus. Ang dapat sana’y survival and medical training ng mga estudyante ay nauwi sa trahedya. Isa sa mga hindi pinalad na makaligtas ang bunsong anak ni Elsa Cabrera na si Elmer. Magkahalong hinagpis at galit ang nararamdaman ng ina sa pagkawala ng kanyang anak. Hiling niya at ng iba pang naulila, magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.
Samantala, isang bus din ang nakadisgrasya ng ilang katao sa harap ng paaralan sa Saba, Bataan noong ika-9 ng Pebrero. Hindi kasi tumigil ang bus sa pag-arangkada kahit pa nga nasa pedestrian lane. Ang buong pangyayari, caught on cam!
Ang aktres na si Angelu de Leon, minsan na ring nalagay sa peligro ang buhay. Kasama raw niya ang noo’y tatlong taong gulang niyang anak na si Rafa. Papunta raw sila sa isang taping sa Laguna nang mabangga ng truck ang likurang bahagi ng sinasakyan nilang van.
Sa iba’t ibang kaso ng mga aksidente sa kalsada, paano ba ito sana naiwasan? Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
More Videos
Most Popular