Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pusong biktima ng trahedya, tampok sa 'Alisto'


 

ALISTO
Date of Airing: February 14, 2017

 

 


Sa araw ng mga puso,  tampok sa Alisto ang kuwento ng mga pusong  hindi nag-iwanan sa gitna ng aksidente at trahedya.

Pebrero noong isang taon nang isang truck ang nawalan ng preno sa Valenzuela City, bumangga ito sa motorsiklong sinasakyan ng mag-asawang Annalyn at Luciano.  Tumilapon sila sa kalsada, habang ang kanilang motor ay nakaladkad sa bangketa. Nabali ang buto ni Luciano sa tuhod samantalang si Annalyn naman, kinailangang putulin ang kanang paa. Sa isang iglap, nagbago ang kanilang  buhay,  pero hindi ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa. Ayon sa mag-asawa, mas tumibay pa nga ang kanilang pagsasama.

Sa Quezon City naman nitong nakaraang buwan, nagsalpukan ang isang SUV at armored van.  Sakay ng SUV ang driver na si Raven at ang kasintahang si Kristine na nagtamo ng mga pasa sa ulo. Sa buong panahon ng pagpapagaling ni Kristine, hindi siya iniwan ng kasintahan.

Pero kung may mga kwento ng wagas na pag-iibigan sa kabila ng trahedya, may ilang pag-ibig naman na nauwi  sa sakitan at  kahihiyan. Ilang kaso ng panunugod ng tunay na asawa sa diumano’y kalaguyo ng kanilang mister, hulikam!

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

Tags: pr, plug, alisto