Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kaso ng pang-aabuso sa kababaihan, tatalakayin sa 'Alisto'


Sa datos ng National Police Commission o NAPOLCOM noong taong 2015, umabot sa mahigit apat na libo ang kaso ng pang-aabusong sekswal sa mga kababaihan sa buong bansa. Kabilang diyan ang sexual harassment, pamboboso at panggagahasa.

 


Ang Kapuso actress na si Arny Ross, pangungunahan ang isang social experiment para alamin kung alisto ba ang publiko kung may masasaksihang babae na nangangailangan ng saklolo. Magpapanggap siyang lango sa alak at biktima ng pambabastos sa loob ng isang bar. May tutulong kaya sa kanya?

 


Grading time naman sa mga proyekto ng gobyerno na dapat sana’y matagal nang tapos. Bibigyan ni Agent A ng APRUB kapag malaki na ang ipinagbago ng lugar, PUSH PA kapag may nagbago pero kulang pa, at PALPAK kung wala talagang nangyari.

 


Ilan sa kanyang babalikan ang drainage project ng DPWH sa Mandaluyong. 2013 pa nang simulan ito at dapat sana’y tapos na noon pang nakaraang Mayo. Nagiging sanhi na rin ng dengue ang mga naiimbak na tubig dito. Ang 400 million peso Interceptor Catchment Area naman sa Blumentritt, imbes na maging epektibo para sa flood control, tinambakan na ng basura! Ang bukas namang drainage sa G. Araneta Avenue sa Quezon City, natakpan na kaya?


Abangan ang lahat ng aksyon at serbisyo publiko sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!