Pekto, maging 'Alisto' kaya laban sa mga carnapper?

ALISTO SA CARNAPPING: PEKTO


Magpapanggap na tutulong sa ‘yo kapag nasiraan sa daan... pero ang pakay pala, tangayin ang sasakyan! Isa ito sa mga bagong paandar ng kawatan na nahuli sa CCTV.
Ang Kapuso comedian na si Mike “Pekto” Nacua sasabak sa Alisto challenge. Habang papunta sa kunwari’y briefing, biglang masisiraan ang van at may mga lalaking lalapit para mag-alok ng tulong.
Magtiwala kaya siya agad at mabiktima ng carnapping? O Alisto siyang makakatunog sa modus?
AGENT A: PEDESTRIAN LANES


Sa hudyat ng pulang ilaw sa traffic light, bawal humarang o lumampas sa mga itinakdang pedestrian lane para sa ligtas na pagtawid. Pero ang ilang motorista.... bakit parang dedma?
‘Yan ang tututukan ng Pambansang sumbungera na si Agent A!
Maging ALISTO! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, January 11, 2016 5:20 ng hapon sa GMA!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us