Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Thea Tolentino, sasabak sa 'Alisto' celebrity challenge



 
Lunes, August 24, 2015… 4:50 ng hapon
 
ALISTO CELEBRITY CHALLENGE:
THEA TOLENTINO
 


 
Palaban at walang inuurungan ang Kapusong si Thea Tolentino sa kanyang papel sa Half Sisters. Pero paano kung sumabak siya sa isang footbridge at eskinita kung saan may pagala-galang kawatan at riding in tandem?
 
Lingid sa kaalaman ni Thea, isa lang itong challenge kung saan lahat ng aatake sa kanya ay pawang kasabwat ng programa.
 

 
Magamit niya kaya ang self defense techniques na ituturo ng eksperto? Paano magiging Alisto sa ganitong peligrosong sitwasyon?
 
HOLDAP SA MILK TEA SHOP
 
Nagkukuwentuhan lang ang magkakaibigan sa isang milk tea shop nang isang kawatan ang biglang pumasok at nagdeklara ng holdap! Nakahelmet ang suspek na nanutok pa ng baril sa mga inosenteng biktima.
 
May ilang kawatan ding hindi pinatawad maging ang isang maliit na carinderia. Sakaling maharap sa ganitong panganib, paano ba ang tamang pagkilos para hindi ka masaktan?
 
Ibubunyag din namin ang ilang kahinaan ng kawatan na dapat mong malaman.
 
Hindi ka biktima… Maging ALISTO!
 
Kasama si Igan, Arnold Clavio.  Lunes, August 24, 2015, 4:50 ng hapon sa GMA!