Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Paggawa ng mga pekeng dokumento, tututukan ng 'Alisto'




Lunes, August 3, 2015… 4:50 ng hapon
 
BIYAHENG ESTUDYANTE








Bente porsyentong discount ang dapat na natatanggap ng mga estudyante kapag sila’y nagco-commute. Pero nasusunod nga ba ito ng mga drayber ng pampasaherong jeep?
 
Bibiyahe bilang estudyante ang Kapuso teen hearthrob na si Jake Vargas. Pero bukod dito, bababa rin siya sa University Belt sa Recto, Maynila para alamin kung naglipana pa rin ba ang gumagawa ng mga pekeng dokumento rito. Ilan lang sa nakababahalang gawain dito ang ilang estudyanteng nagpapagawa ng pekeng registration form para sobrahan ang halaga ng kanilang tuition.
Bakit hanggang ngayo’y nakalulusot ang ganitong mga ilegal na gawain at anong hakbang ang gagawin ng mga otoridad gayong ilan sa kanila ang namataan pa ng Alisto na pagala-gala lang sa paligid ng puwesto ng mga gumagawa ng pekeng dokumento?
 
BANTAY MODUS: NALIGAW NA PASLIT
 
Transit area ang Barangay 146 sa Pasay City. Narito kasi ang Taft Avenue station ng MRT at LRT... at kaliwa’t kanan din ang mga terminal ng bus dito na biyaheng norte at timog.
 
Ang dami ng taong nagsisiksikan dito kada araw ang siyang sinasamantala umano ng ilang masasamang loob para mang-snatch sa mga commuter. Ang mas masaklap... ilan sa kanila, menor de edad!
 
Huli sa CCTV ang ilang insidente ng mga kabataang itinatakbo ang nakuhang gamit. Maisalba pa kaya sila mula sa ganitong mga ilegal na gawain?
 
Hindi ka biktima… Maging ALISTO!
 
Kasama si Igan, Arnold Clavio.  Lunes, August 3, 2015, 4:50 ng hapon sa GMA!