Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Baril ng Peligro' tampok sa 'Alisto'


ALISTO!
Lunes, Enero 19
4:25 PM sa GMA-7


 
BARIL NG PELIGRO
 
Tuwing sasapit ang bagong taon, isa sa pinaka-binabantayan ang kaso ng mga tinamaan ng ligaw na bala. Pero sa kabila ng paulit-ulit na paalala, may ilang tila walang kadala-dala at tila nagkakatuwaan pa habang nagpapaputok ng baril.

 
Ganito ang viral video na kumalat sa social media kamakailan. Isang grupo ng mga lalaki sa Ilocos Sur ang walang patumanggang nagpaputok ng baril. Agad itong tumawag sa pansin ng maraming concerned citizens at maging ng mga otoridad. Paano nga ba napasakamay ng mga kabataang ito ang matataas na kalibre ng baril at paano nga ba maaaring mag-ingat ang publiko?

 
Kasama ang ilang firearm experts mula sa Police Provincial Office ng Ilocos, alamin kung paano maging Alisto para iwas peligro!
 
GAPOS GANG
 
Magtatapos na lang ang 2014, humabol pa sa pagsalakay ang ilang akyat-bahay. Ang mga biktima, iginapos pa ng mga salarin. Sakto namang napadaan ang isang pulis at bagamat off duty, alisto siyang rumesponde. Mapakasamay kaya ng alagad ng batas ang mga suspek?

 
Sa isang hiwalay na insidente, isang pamilya pa ang nabiktima ng mga akyat-bahay na nang-gagapos. Ang dalawang anak ng biktima, sinubukang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa bintana at pagdaan sa bubong ng kapitbahay.
 
Kasama ang eksperto, alamin ang mga maaaring gawin sakaling maipit sa parehong sitwasyon!
 
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Ngayong Lunes, Enero 19, 4:25 ng hapon sa GMA!