Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Iwasan ang modus ng basag-kotse at abuloy-patay sa Alisto
ALISTO SA BASAG KOTSE GANG
Sampung Segundo. Ganito lang kabilis nabasag ng isang kawatan sa Makati ang salamin ng isang nakaparadang kotse. Hatinggabi nang mamataan ang isang lalaki na naglalakad sa isang kalte sa Barangay Singkamas. Walang anu-ano’y binasag niya ang salamin ng sasakyan at tinangay ang mga mahalagang gamit sa loob nito.
Isa sa mga pinakabagong biktima ang theatre actor at director na si Audie Gemora. Mahigit isang oras pa lang ang nakalilipas nang i-park niya ang kanyang kotse sa Cultural Center of the Philippines o CCP. Pero sa kanyang pagbabalik, tumambad sa kanya ang mga bubog na mula sa binasag na salamin ng kanyang sasakyan. Natangay ng kawatan ang ilang gadgets at mahalagang dokumento.
Paano ka hindi mabibiktima ng Basag Kotse Gang?
ABULOY - PATAY GANG
Ber months na naman… at dahil malapit na ang pasko, parang kabute na namang nagsusulputan sa lansangan ang mga nag-sosolicit o humihingi ng abuloy para sa iba’t ibang dahilan. Pero mga Igan, maging mapanuri pa rin sa inyong mga tinutulungan... dahil may mga grupong nananamantala ng inyong awa para lang kumita.
Isa na rito ang "Patay Gang" kung saan ang mga miyembro, nanlilikom kuno ng pera para umano sa isang patay. Pero isa sa kanilang miyembro ang nakilala ng Alisto! Ibinahagi niya na ang istilong ito ng panghihingi ng awa sa mga pasahero ng bus—isa palang modus!
Sa halip na mapunta ang perang inilimos mo sa mga tunay na nagdadalamhati, ang mga mismong nag-solicit ang naghahati-hati.
Ang akala mong barya na ibinagay mo sa kanila--lumalaki ang halaga kapag pinagsama-sama. Kaya naman mahina na sa kanila ang limandaang pisong kita kada isang araw.
Ano ang mga dapat mong gawin para hindi ka nila maisahan?
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Mamayang alas-4:35 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular