Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mga abusadang yaya, tampok sa 'Alisto'


ALISTO!
Lunes, August 25, 2014, alas-4 ng hapon

ALISTO KAY YAYA


Ika-11 ng Agosto nang matuklasan ng mag-asawang  "Lisa" at "Joel" ang tunay na kulay ng kanilang yaya. Huling-huli sa CCTV camera ang marahas na pagtrato at pananakit ng yaya sa isang  taong gulang nilang anak na si "Princess".

Enero ng taong ito huling huli rin sa video ang pabalagbag na paghila ng isang yaya sa kanyang alagang sanggol.

Mga magulang… ano nga ba ang mga senyales na may nagaganap na pang-aabuso sa inyong mga anak at ano ang dapat gawin kung sakaling makumpirmang abusado nga ang pinagkatiwalaan niyong yaya?

Sakali namang biglang umalis si yaya, alamin kung paano magiging “child-friendly” ang inyong bahay para masigurong ligtas ang inyong mga anak.

IWAS MODUS: “POWERPUFF GIRLS”

Tila may “magic hands” daw ang lider ng kanilang grupo. Sa bilis daw kasi ng kamay nito, nagawa niyang salisihan ang customer sa isang restaurant sa Pasay kung saan camera at lenteng nagkakahalaga ng P200,000 ang natangay. May apat hanggang anim na miyembro ang grupong binansagang “Powerpuff Girls”.

Tila nag-level up na nga ang mga kawatan at sa ngayon, gumagamit na ng mga props gaya na lang ng payong! Sa isang insidente ng pagnanakaw, ginamit pa ito bilang panungkit sa bag ng biktima!

Kilalanin din ang mga kawatang balabal naman ang gamit para makapanlamang.

Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Sa bago nitong araw at oras, Lunes, August 25, 2014, alas-4 ng hapon sa GMA-7!