Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Karahasan sa mga fraternity, tatalakayin sa 'Alisto'

Lunes, July 7, 2014… alas-4 ng hapon
ALISTO KA BA SA PAGSAKAY NG TAXI?

Ano ang gagawin mo kung ang masakyan mong taxi, sira ang lock ng pintuan, may takip ang plate number na nakasulat sa gilid at ang driver, tila iniiba ang ruta ng iyong pupuntahan? Mapapansin mo kaya o bababa kang parang walang nangyari?
Sa isang social experiment na isinagawa ng Alisto… nasukat ang pagiging mapagmatyag ng ilang pasahero.

Ilan kaya ang papasa at ilan sa kanila ang babagsak?
Anu-ano ang dapat mong tandaan para malaman kung nasa gitna ka na pala ng panganib kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan?
KARAHASAN SA KAPATIRAN

Nitong nakaraang Linggo naging laman ng balita ang malagim na pagkamatay ng HRM student na si Guillo Servando. Lalo na nang isapubliko ang mga CCTV footage na naglalaman ng kanyang mga huling sandali matapos umanong sumailalim sa isang marahas na hazing ng isang fraternity.
Bukod sa kaso ni Guillo, isa pang nakababahalang video ng hazing sa isang paaralan ang naka-upload sa social media. Ang sumasailalim sa initiation, nakapiring ang mata at makikitang binubugbog. May mga pagkakataon ding pinapatakan ng kandila ang kanyang likod.
Bakit nga ba nagpapatuloy ang ganitong klase ng karahasan at paano mo masisigurong ligtas ang iyong anak sa ganitong panganib?
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, July 7, 2014, alas-4 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular