ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nawaglit na Paslit sa 'Alisto


Alisto!
Naligaw na Musmos
April 22, 2014
11:30 PM, GMA-7


Naligaw na Musmos
 


Si "Joshua", hindi niya tunay na pangalan, sa murang edad ay marunong nang dumiskarte sa pagnanakaw para magkapera. Tulad niya, hindi na bago sa lipunan ang mga batang naligaw ng landas.
 
Sa aming mga nakalap na video, makikita kung ano ang modus ng mga bata mula sa small time na pandurukot hanggang sa big time na pag-aakyat bahay.
 
Pati ang ilang batang akala mo’y nakikinood lang sa mga naglalaro sa computer shop, nagmamasid lang pala at naghahanap ng tiyempo para makapang-omit sa mga abalang customers.
 
Paano maitutuwid ang kanilang landas?
 
Nawaglit na Paslit


 
Kamakailan lang naging trending sa social network ang isang bata na naiwang mag-isa sa tabi ng isang fountain pool. Dahil likas na malikot, nagparoo’t parito siya sa pool at saka nahulog.
 
Paano mas magiging ligtas ang mga paslit sa peligro?
 
Maging "Alisto!" Kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!