Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bundol at Sagasa sa "Alisto!"


Alisto!
Tuwing Martes na simula March 25, 2014
March 25, 2014
11:30 PM, GMA-7

Bundol at Sagasa!




Idinisenyo ang mga pedestrian lane para sa mas ligtas na pagtawid sa kalsada. Pero sa kabila nito, may mga kababayan pa rin tayong inaabot ng disgrasya. Sino nga ba ang pasaway kaya patuloy na nagkakaroon ng ganitong mga trahedya?

Dalawang tao ang tumilapon matapos salpukin ng isang sasakyan sa Davao City habang isang lalaki naman ang nabundol ng isang humaharurot na motorsiklo! Ang makapigil hiningang mga eksena, huli sa CCTV camera!
 
Basag-ulo

Init ng ulo sa kalsada ang naging ugat kung bakit nauwi sa sapakan ang away ng dalawang driver. Habang sa Rizal Park naman sa Davao City malapit mismo sa monumento ng ating pambansang bayani, sumiklab ang rambol sa ilang kabataan. Hindi sinanto ang dumating na pulis at nagpatuloy pa rin sa pakikipagbakbakan.

Paano nga ba maiiwasang makipagbasag-ulo para malayo sa kapahamakan?
 
Salpukan!
Hindi race track ang ating mga kalsada. Pero ang ilang pasaway na driver, sige pa rin sa pakikipag-karera. Ang resulta… salpukan!

Ano ang mga dapat tandaan para mas maging ligtas ang biyahe ng mga motorista?


Maging "Alisto!" Kasama si Igan, Arnold Clavio. Tuwing Martes ng gabi na pagkatapos ng Saksi!