Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Away-kalsada at barilan caught on camera sa 'Alisto'


Alisto
Hit and Run… Away-kalsada at Barilan Caught on Camera!
January 9, 2013
11:30 PM, GMA-7

 
Ang mga kaso ng hit and run, hindi lang pedestrian ang nagiging biktima. Maging ang mga rider ng motorsiklo sa Makati, diumano’y tinakbuhan ng mga driver ng sasakyang nakaaksidente sa kanila! Tulad na lang ng sinapit ng nakilala naming motorcycle rider na si Marlon. Kitang kita sa CCTV camera kung paano sinagasaan ng isang taxi ang kanyang motor nang mag-go ang traffic light. Ang taxi, may sakay pa palang buntis na pasahero na napinsala rin at nakunan pa umano dahil sa pangyayari. Tinangkang makatakas ng driver kaya naman nagkahabulan pa sa kalsada.
 

Paano nga ba posibleng makaiwas sa ganitong mga disgrasya?
 

Samantala, ilang away kalsada rin ang caught on camera! Ang simpleng init ng ulo sa away-trapiko, humantong sa umaatikabong gulo! Tulad na lang ng kotse at taxi na nagka-gitgitan sa daan. Dahil kapwa nagkapikunan ang mga driver, parang boksing silang nagpambuno sa kalsada. Ang taxi driver, kumuha pa ng pamalo at inambahan ang nakaalitan. Ano nga ba ang mga dapat tandaan para maidaan na lang ito sa maayos na usapan?
 
 
Ilang insidente rin ng malagim na pamamaril ang huli sa CCTV cam. Paano ito nakatutulong para malutas ang ilang krimen?
 
Maging Alisto kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!