Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Alisto' sa 2014!
"Alisto"
"Alisto" sa 2014!
Airing Date: January 2, 2013
11:30 PM, GMA-7
Ilang oras bago ang pagsalubong sa 2014… ilang hindi inaasahang pangyayari ang tila buena manong nakuhanan ng mga CCTV camera!
Sa Pasig, isang motor ang biglang bumangga sa isang barrier sa gitna ng kalsada! Sa pagtatangkang tumakas ng rider, hindi niya nabitawan ang silinyador, dahilan para magulungan ng motorsiklo ang dalawang katao. Paano humantong dito ang aksidente at paano sana ito naiwasan?
Samantala, sa Nueva Ecija, isang malagim na aksidente ang nakuhanan ng isang youscooper. Isang van, halos pumailalim matapos sumalpok sa nakaparadang 10-wheeler truck! Papunta lang daw sana sa isang binyagan ang mag-anak na sakay ng van. Pawang mga sugat ang tinamo nila subalit ang isa nilang kaibigang nakaupo sa harapan—idineklarang dead on the spot.
Peligro rin ang sumalubong sa ilang biktima na inabutan ng "Alisto" sa Tondo Medical Center. Isang lalaki, duguan ang ulo matapos umanong batuhin ni misis. Ang pinagmulan ng away… simpleng pagtatalo kung saan sila magdiriwang ng bagong taon.
Dito rin inabutan ng "Alisto" ang magkakapitbahay na pawang nadamay sa pagsabog ng isang latang pinagsindihan ng mga paputok. Paano nga ba mas ligtas na salubungin ang mga susunod na bagong taon?
Babalikan din ng "Alisto" ang mga hindi malilimutang pangyayaring nasapul ng camera sa pagsalubong sa 2013 para malaman ang mga aral na iniwan nito… at kung gaano kahalaga ang mga CCTV camera sa paglutas ng iba’t ibang krimen.
Maging "Alisto"! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!

Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular