Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Mga paslit na minamaltrato, huling huli sa camera ng Alisto!
By Arnold Clavio
Bukod sa nakagugulat na video ng isang amang inihampas ang anak sa semento na naging sanhi ng kamatayan ng bata, kumalat din sa social networking sites ang isa pang video kung saan isang bata ang sinasaktan ng sarili niyang ina habang nasa loob ng isang drum ng tubig. Alisto namang nakuhanan ng isang youscooper ang ginawang pananakit ng isang ina sa kanyang anak habang sakay sila ng pampasaherong jeep. Sa isang video naman ng isa pang youscooper, kitang kita kung paano kinaladkad ng kanyang amain ang isang batang lalaki. Ano nga ba ang mga dapat gawin sakaling maging saksi sa ganitong pang-aabuso sa mga paslit?
advertisement

Naging alisto rin ang mga youscooper sa pagdodokumento ng mga pangyayari sa kanilang paligid sa hangaring makapagbigay ng babala at impormasyon sa iba. Tulad na lang ng huli sa aktong pangongotong ng isang traffic enforcer at maging ang panloloob sa isang jewelry store. Isang youscooper din ang kumuha ng video ng pagnanakaw ng bakal sa isang truck na nagkaroon ng positibong resulta sa kalye.

Samantala sa kabila naman ng paulit-ulit na paalala ng mga kinauukulan, mahigit dalawang libo pa rin ang naitalang aksidente sa motorsiklo ng MMDA mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito. Bakit nga ba patuloy pa ring humaharurot ang peligro?

Samahan si Igan, Arnold Clavio na maging Alisto! Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!
More Videos
Most Popular