Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Kuwento ng mga nawawalang bata sa 'ALISTO'
ALISTO!
Kuwento ng mga nawawalang bata
Airing Date: April 13, 2013
Nitong mga nakaraang buwan, kaliwa’t kanan ang balita tungkol sa mga paslit na bigla na lang naglalahong parang bula. May ilang hanggang ngayo’y hindi pa natatagpuan at sa ilang kaso, malagim ang kinahahantungan.

Tulad na lang ng sinapit ng apat na taong gulang na si Mark Escarmosa. Ika-19 ng Marso nang siya’y mawala sa Pililla, Rizal. Nagpaalam lang daw ang bata para maglaro pero hindi na siya muli pang nakabalik ng bahay. Dalawang linggong nabalot ng tensyon at pag-aalala ang kanyang pamilya. Hanggang noong nakaraang Huwebes, April 4, isang hindi pangkaraniwang amoy ang nagdulot ng komosyon sa mga residente. Noong araw ding iyon natuklasan ang labi ng isang bata sa isang creek. Halos buto na lang ang natira, hiwa-hiwalay ang parte ng katawan at wala nang lamang loob.
Dahil sa t-shirt na huling suot ni Mark, positibo siyang kinilala ng kanyang Lolo Jose. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nahulog ang bata sa creek at pinagpistahan ng mga hayop gaya ng aso at bayawak ang kanyang nabubulok na bangkay. Pero hindi kumbinsido rito ang kanyang mga mahal sa buhay. May foul play nga bang naganap o isa lamang itong aksidente?
Samantala, tunghayan din ang isang CCTV footage na nagpapakita ng pagtangay umano sa isang dalawang taong gulang na bata ng kapwa niya bata sa isang mall. Huli rin sa CCTV kung paano naman tinangay ng isang lalaki ang isang bata at kung paano ito naging daan para maibalik siya sa kanyang mga magulang.
Ano nga ba ang dapat na tandaan ng mga magulang para hindi maging biktima ng mga ganitong pangyayari? Kanino at saan dapat humingi ng tulong sakaling maharap sa ganitong sitwasyon?
Hindi ka biktima. Maging Alisto! Samahan si Igan, Arnold Clavio ngayong Sabado, alas-kuwatro ng hapon pagkatapos ng Startalk at bago ang Wish Ko Lang!
Kuwento ng mga nawawalang bata
advertisement

More Videos
Most Popular