Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Drew Arellano, mapapasabak sa kanyang segment?


AHA! AUGUST 19-21, 2020

 

AUGUST 19, WEDNESDAY

Makakasama ni Drew na magbahagi ng kaalaman at kakulitan ang pinakamamahal na asawang si Iya Villania. Sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!' mababaligtad ang mundo dahil imbes na siya ang guest, si Drew ang isasabak ni Iya sa isang challenge kung saan masusubok ang kanyang memorya pagdating sa ang kanilang anak na si Primo.

 

 

'Di rin makalulusot si Iya dahil hahamunin naman s'ya ni Drew sa patok-na-patok na 'AHA: Walang Tatawa Challenge'. Masusubok din ang kanilang baby handling skills sa iba pang challenges gaya ng 'Prep the Baby' at 'Feed the Baby'.

And for more AHA-mazing stories, alam n'yo ba kung paano nagagawang pagpatung-patungin at balansehin ang iba't ibang piraso ng bato sa iba't ibang posisyon? Alamin ang siyensiya sa likod ng rock balancing o stone stacking.

 

 

Isa pang nauusong laruan ngayon ang 'Gymnastics War', isang table game kung saan ang objective ay maipa-perfect landing ang toy gymnast. Ano nga ba ang techniques para magawa ito?

 

 

AUGUST 20, THURSDAY

Meron nga bang dinosaur na natagpuan sa Bataan? Sa biglang tingin, aakalain mo ngang dambuhalang dinosaur ang pambihirang rock formation na 'Five Fingers' na matatagpuan sa dalampasigan ng Mariveles, Bataan. Paano nga ba nabubuo ang iba't ibang klase ng rock formation?

 

 

May isang artist din na taga-Bataan na kayang gumawa ng scale models ng iba't ibang monumento at gusali gamit lang ang mga recyclable materials. Panoorin natin kung paano niya nililikha ang kaniyang AHA-mazing na obra.

 

 

Gaano katagal n'yo kayang dumilat nang hindi kumukurap? Alamin natin kung anong nangyari sa mga ka-AHA nating tumanggap ng ating 'Walang Kukurap Challenge'. Ano nga ba ang siyensiya sa likod ng pagkurap ng ating mga mata?

 

 

AUGUST 21, FRIDAY

Sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!', panauhin naman ang batikang Kapuso comedian na si Betong Sumaya. Kakasa kaya si Betong sa mga nakatutuwang hamon ni Drew gaya ng 'AHA! Walang Tatawa', 'Color Memory Game', 'Climb-a-Question' at iba pa?

 

 

Sa iba pang AHA-mazing stories, haharapin ng ating National Ice Hockey Team ang isang panibagong hamon sa isang bagong sport na obstacle course. Kayanin kaya nila?

 

 

AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25am at Linggo, 8:15am sa GMA!