Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano nga ba mamuhay ang mga langgam?


AHA! AUGUST 12-14

 

AUGUST 12
Sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!', panauhin ang teen heartthrob na si Miguel Tan Felix. Kakasa kaya si Miguel sa mga nakatutuwang hamon ni Drew gaya ng '5 Senses Challenge', 'Egg-Walk Quiz' at iba pa?

 

 

Sa iba pang AHA-mazing stories, bakit nga ba patagilid maglakad ang mga alimango? Alamin natin ang isang nakatutuwang kuwento tungkol dito.

Pasukin din natin ang secret lives ng giant crabs ng Siargao kasama ang ka-AHA nating si Carl Cervantes.

 

 

AUGUST 13
Kilalanin natin si Pia Gabriel, ang tinaguriang ‘Princess of Philippine Motocross’. Four years old pa lang daw si Pia nang magsimula  siyang mag-aral mag-Motocross at mula noon ay halos nasalihan at napanalunan na niya ang lahat ng Motocross competitions sa bansa. Paano nga ba niya nagagawa ang ilang makapigil-hiningang stunts sa Motocross?

 

 

Madalas nating makita ang mga langgam na naghahanap at nag-iipon ng makakakain. Silipin natin kung paano nga ba mamuhay ang mga langgam. Ano-ano nga ba ang mga roles o papel na ginagampanan ng bawat isa sa kanilang colony?

 

 

Nag-viral noon ang larawan ng isang ahas na nagtatago o naka-camouflage daw sa kaniyang paligid. Bakit nga ba nagka-camouflage ang ahas at pati ang ibang mga hayop? Ano-ano ang mga paraan o techniques para epektibo nilang maitago ang kanilang sarili at hindi agad makita sa unang tingin?

 

 

AUGUST 14

Alam n’yo ba kung ano ang ‘sinarapan?’ Ito ay isang maliit na uri ng isda na endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas partikular sa Camarines Sur.  Itinuturing itong pinakamaliit na edible at commercially harvested fish sa buong mundo. Ano-ano nga ba ang mga katangian nito? Paano ito hinuhuli, inaalagaan at pinararami upang huwag manganib na maubos o mawala ang species na ito?  Iyan ang aalamin ni Ka-AHAng si Denise Barbacena na dumaan sa matitinding obstacles bago nahanap ang sinarapan.

 

 

Malaki ang bahagi ng tubig sa ating buhay. Katunayan, ang average adult human body ay binubuo ng 60 hanggang 70 percent na tubig. Alamin natin ang mga benepisyo ng tubig sa tao. Totoo nga bang may natural tayong affinity o pagkahilig sa tubig? Lahat ng iyan, matututuhan natin sa gitna ng pakikipaglaban ng matitipunong Water Warriors.  Kung sino sila, abangan!