Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kawasan Falls, may kuwentong kababalaghan?!


AHA! JULY 29 – AUGUST 2, 2020

 


JULY 29, MIYERKULES

Isa sa paboritong pasyalan ang iba’t ibang anyong-tubig sa ating bansa gaya ng talon o waterfalls. Samahan n’yo kaming bisitahin ang itinanghal na 8th Most Beautiful Waterfalls in the World ng Yahoo Life and Travel— ang Kawasan Falls sa Cebu . Bukod sa natural beauty nito, nababalot din daw ito ng iba’t ibang kuwento ng kababalaghan.  Ano kaya ang sagot ng science tungkol dito?

 

Naniniwala ba kayong ang mga unggoy raw ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga tao? Ano-ano nga ba ang mga katangian at kakayahan ng mga unggoy na halos kapareho ng sa tao?  Alamin ang amazing monkey stories  ngayong linggo.

 


Mountain bike ang paboritong gamitin sa offroad biking o sa mga kalsadang hindi flat at may humps o rugged na terrain. Pero, alam n’yo ba na puwede na rin ngayong magpractice ng inyong offroad biking skills sa  indoor offroad bike trail.  Iyan ang susubukan ng ating Ka-Aha at triathlete na si Drew Arellano.

 

 

JULY 30, HUWEBES

Kilalanin natin si Maali, ang nag-iisang elepante na 42 taon nang naninirahan sa Manila Zoo. Si Maali nga ba ang ”loneliest elephant in the world”? Dapat nga ba siyang ilipat sa isang animal sanctuary sa Thailand o manatili sa Pilipinas? Kilalanin at samahan natin si Maali sa kanyang buhay sa loob ng zoo.  Alamin din natin ang mga katangian at kakayahan ng pambihirang hayop na ito na sinasabing isa sa pinakamatalinong hayop sa buong mundo.

 

AHAlamin kung ano ang Segway, isang uri ng self-balancing, battery-powered electric personal transportation na ngayon ay nag-evolve na sa iba’t ibang versions. Paano nga ba ito umaandar at ano ang balancing techniques na kailangang matutuhan?

 


Naisip  n’yo ba kung paano tayo nakagagawa ng mga obra na gaya ng handmade toys? Paano nga ba puwedeng madevelop pa ang ating creative skills?  Para malaman ’yan, ‘papasukin’ natin ang bahagi ng ating utak na responsible d’yan!

 

JULY 31, BIYERNES

Maraming Kapuso stars na ang tumanggap ng hamon ni Drew Arellano sa special segment ng AHA!--ang 'Let's Do It! Let's Drew It!'.  This time ang cute na cute na child actor na si Pao Pao naman ang sasabak sa makukulit na pagsubok. Kakasa kaya si Boom Boom Pao sa mga nakatutuwang hamon ni Drew gaya ng 'Mukhasim Challenge', 'Animal Charade', 'at iba pa?

 

Sa iba pang AHA-mazing stories, alamin ang siyensiya sa likod ng tirador o slingshot na ginagamit bilang laruan at hunting device. Kilalanin din ang Pinoy Slingshot master ng Laguna na kaya raw ma-asinta ang kahit napakaliit o nipis na mga bagay.

 

 

Mamangha kung paano ginagawa ang projection mapping or 3D visual mapping art.  Iyan ang aalamanin ni Ka-AHAng Bianca Umali sa bagong atraksyon ng Art In Island museum sa Cubao.

 

 

AUGUST 2, LINGGO

Samahan n'yo kami sa isang extreme obstacle course sa Pampanga. Sino kaya sa ating mga ka-AHA ang magiging 'last man standing' sa ating 'AHA! Splashout Challenge?'

Isa ito sa classic toys na nilalaro ng mga bata mula sa iba't ibang henerasyon. Pero paano nga ba ito laruin? At may siyensiya ba sa paikot-ikot na mundo ng paglalaro ng trumpo?

 


Bakit nga ba tayo nagugulat? Ano ang prosesong pinagdaraanan ng ating katawan? Tuklasin natin ang siyensiya sa likod ng 'gulat.'

Abangan lahat ng ‘yan sa AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25am, at Linggo, 8:15am.