'AHA,' 4 times a week n'yo nang mapapanood!
… na 4x a week ninyo nang makakasama ang AHA? AHA-mazing hindi ba?
Simula sa July 1, mapapanood na ang AHA mula Miyerkules hanggang Biyernes, at tuloy pa rin ang learn-from-home sa araw ng Linggo!
MIYERKULES, JULY 1
Samahan si ka-AHAng Drew na alamin ang mga paandar pagdating sa mga personal transport vehicle gaya ng electric go kart at electric roller blades.
Alamin din ang siyensiya kung paano nga ba nangyayari ang abnormalities at birth defects sa mga hayop gaya ng pagkabingot o pagkakaroon ng kulang-kulang na mga paa o binti at iba pang bahagi ng katawan, paano nga ba natin sila dapat suportahan at alagaan?
Magbigay-pugay sa natatanging henyo na lumikha ng isang pambihirang uniberso ng Marvel superheroes na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa marami, si Stan Lee, na pumanaw sa edad na 95.
HUWEBES, JULY 2
Hindi lang pala tao ang may beauty contest. Sa isang ToyCon, pati mga manyika, rumampa at nagpagandahan din! Mag-throwback din tayo ng mga sinaunang toy dolls na pinaglaruan nina mommy at lola.
Isa sa mga sumikat na laruan noong dekada nobenta ang Tamiya race cars. Pero alam n’yo bang hanggang ngayon ay sikat pa rin ang mga ito? Silipin natin ang mga pangyayari sa isang makapigil-hiningang karera ng mga Tamiya car.
Boring ba dahil maulan at hindi kayo makalabas ng bahay? Puwede pa rin kayong magpaandar sa inyong mga kaibigan sa pamamagitan ng ilang AHA-mazing tricks gaya ng Multiplying Coins, Disappearing Matchsticks, Hand in the Box, at iba pa.
Paano nga ba gumawa ng short video gamit ang patok na digital application na Tik Tok?
BIYERNES, JULY 3
Ang AHA! squad susubukan na agad ang iba't ibang games na inspired mula sa 'Running Man!'
Papasukin din ang 16th century dungeons sa Baluarte de San Barbara sa Fort Santiago sa Intramuros na dating ginawang imbakan ng mga sandata at bala noong panahon ng mga Kastila. Alamin ang mga kuwento tungkol sa makasaysayang lugar na ito.
Totoo nga kaya ang mga duwende? Alamin ang iba't ibang kuwento at paniniwala tungkol sa mahiwagang nilalang na mga ito.
Nag-viral noon ang batang sobrang nai-stress nang makalunok ito ng butong pakwan. Ano nga bang mangyayari kung nakalulon tayo ng buto ng pakwan? Totoo nga bang may tutubong puno sa loob ng ating katawan? Alamin ang siyensiya sa ating digestive system at kung paano ito nakatutulong sa ating katawan.
LINGGO, JULY 5
Sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!', panauhin naman ang pinakamalaking 'baby' sa telebisyon--si Boobsie Wonderland. Kakasa kaya si Boobsie sa mga hamon ni Drew gaya ng 'AHA: Walang Tatawa Challenge with a Twist', 'Tongue Twister Challenge' at iba pa?
Sa iba pang AHA-mazing stories, ano nga ba ang 'kinetic sand?' Ano-ano ang mga katangian nito at nagagawa itong iporma o imolde sa iba't ibang hugis? Iyan ang ibibida ni Ka-AHAng Ivan Dorschner na may bonus pang music video!
Sinong mag-aakalang may ice hockey team din ang isang tropical country na gaya ng Pilipinas?
AHA 4x a week! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25am, at Linggo, 8:15am, simula July 1 na sa GMA!