Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mga bata, nagpapaandar ng Motorcross bikes?!


 

 

AHA!
June 28, 2020

Sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!', panauhin naman ang Binibining Pilipinas-Universe 2016 na si Maxine Medina. Kakasa kaya si Maxine sa mga hamon ni Drew gaya ng 'AHA! Walang Tatawa Challenge', 'Flag Quiz', 'Q & A with Book Balancing Challenge' at iba pa?

Sa iba pang AHA-mazing stories, opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan. Pero alam n'yo na ba ang alamat tungkol sa pinagmulan nito? Kung Science naman ang tatanungin, paano nga ba nabubuo at nagkakaroon ng ulan?  Alamin 'yan at maki-sing under the rain with Kapuso teen star Mika dela Cruz!

Kilalanin ang mga batang Motocross ng Quirino province na sa murang edad ay bihasa ‘di lamang sa pagpapaandar ng Motocross bikes, astig din sila sa makapigil-hiningang tricks gamit ang kanilang two-wheeled vehicle! Paano nga ba nila nagagawa ang kanilang stunts?