Balut, ginawang flavor ng ice cream!
AHA!
JUNE 21, 2020
Dessert ba ang hanap ng kids ngayong nasa bahay lang sila? Iba't ibang kakaibang flavors ang tampok sa AHA! Gaya ng durian ice cream at sili ice cream. Pero may nadiskubre kaming talaga namang pambihirang ice cream flavor sa Cebu- na may sahog daw na balut! Kaya n'yo bang tikman itong Balut ice cream?
Sari-saring dance challenges ang nag-viral sa social media. Siyempre, hindi magpapahuli ang AHA! Ituturo namin sa inyo ang ilang dance challenges na prutas-inspired pa!
Naisip n'yo ba kung ano ang ginagawa ng alaga n'yong pusa tuwing aalis kayo ng bahay o kung matutulog na kayo sa gabi? Sundan natin ang isang araw sa buhay nila at alamin natin ang mga itinatagong lihim ni Muning!
Magbigay-pugay tayo sa ilang ka-AHA kids na magsho-show-and-tell ng ipinagmamalaki nilang talento.