Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Jessica Soho, may ibabahagi sa ating kuwento ngayong Linggo!


 

 

MAY 24, 2020

Bilang bahagi ng selebrayon ng 'Buwan ng Wika', sisimulan natin ngayong Linggo ang isang bagong segment sa programa, ang 'Kuwentong AHA-mazing' kung saan itatampok natin ang iba't ibang orihinal na kuwento at mga kuwentong galing sa mga sikat na librong pambata, na ginawan ng simpleng animation-- AHA-style!

Unang maghahatid ng kuwento ay ang batikang broadcast journalist at TV host na si Miss Jessica Soho.  Isasalaysay niya ang Adarna House classic  'Alamat ng Ampalaya' para sa bagong henerasyon ng mga batang manonood.

At sa iba pang mga istorya, nakakita na ba kayo ng tigreng imbes na kulay orange ay kulay puti at walang stripes? Paano nga ba nangyari ito? Ano-ano ang mga katangian ng puting tigre kumpara sa karaniwang nakikita natin sa zoo?

Naging viral kamakailan ang 'Carry Your Whole Family Challenge.' Sino-sino kayang mga ka-AHA ang kakasa rin sa hamon na ito? At ano ang tip ng science para magawa ang pambihirang pagbubuhat na ito?

Samu't saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.