Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Running Man'-inspired games, lalaruin sa 'AHA!'


 


MARCH 1, 2020

 

Super exciting ang balitang magkakaroon na ng Pinoy version ang South Korean show na ‘Running Man’ at GMA-7 mismo ang maghahatid nito…next year!  At dahil excited sila, ang AHA! squad susubukan na agad ang iba’t ibang games na inspired mula sa ‘Running Man!’

 

 

 

Kamakailan, binuksan sa publiko ang 16th century dungeons sa Baluarte de San Barbara sa Fort Santiago sa Intramuros na dating ginawang imbakan ng mga sandata at bala noong panahon ng mga Kastila. Alamin ang mga bagong kuwento tungkol sa makasaysayang lugar na ito.

 

 

 

Totoo nga kaya ang mga duwende? Alamin ang iba’t ibang kuwento at paniniwala tungkol sa mahiwagang nilalang na mga ito?

Viral ang batang sobrang nai-stress nang makalunok ito ng butong pakwan.  Ano nga bang mangyayari kung nakalulon tayo ng buto ng pakwan? Totoo nga bang may tutubong puno sa loob ng ating katawan? Alamin ang siyensiya sa ating digestive system at kung paano ito nakatutulong sa ating katawan.

 

 

 

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.

English Version:

Join the AHA! Squad as they take on some exciting new games inspired from the South Korean show, ‘Running Man.’

Recently, the 16th century dungeons at the Baluarte de Sta. Barbara in Fort Santiago in Intramuros that were utilized as storage vaults for weapons and ammunition during the Spanish times were opened to the public. Learn new stories about this historic place.

Are ‘duwende’ or ‘dwarf’ real? Get to know some amazing stories and beliefs about these fascinating creatures.

What will happen if you swallow a watermelon seed? Is it true that a tree will grow on you? Discover the science behind our digestive system and how it functions and serves our body.

Science and learning can be fun with AHA, hosted by Drew Arellano, Sundays at 8:15 AM on GMA 7.

Tags: aha, drewarellano