'AHA!' Quiz Party goes to Taiwan
JULY 7, 2019
AHA! Quiz Party sa Taiwan!
Mula sa Taiwan, isang ‘AHA! Quiz Party’ ang hatid ni Drew Arellano sa inyo. Abangan ang mga exciting ‘quiz-tion’ tungkol sa episode at i-comment ang inyong mga sagot sa corresponding posts sa AHA! FB page.

Simba in 3D!
Makalipas ang 25 taon, nagbabalik ngayon sa mga sinehan ang hit Disney animated movie na ‘The Lion King’ kung saan bida ang famous lion character na si Simba. Mula sa 2D animation, nilikha ito ngayon gamit ang high-tech na 3D computer graphic animation. Paano nga ba ito na-reimagine para sa isang bagong henerasyon?

Photo by Disney thru slashfilm.com
TABOracay!
Naging viral kamakailan ang iba’t ibang nakaaaliw na memes tungkol sa tabo. Ang pinakapatok—ang post ni Tabo man Rafael Gomez dahil nila s’ya ng netizens Boracay dahil sa kanyang nakaaaliw na tabo post!

Photo by Rafael Gomez
Bakit nga ba naging tradisyonal na bahagi ito ng bawat tahanang Pinoy? Alamin ang makulay na ‘tabo’ story at ang mga pagbabagong pinagdaanan nito sa iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.