Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ice cream na balut flavor, titikman sa 'AHA!'


 


Iba’t ibang kakaibang flavors ang pinapauso ng ice cream makers, gaya ng durian ice cream at sili ice cream. Pero may nadiskubre kaming talaga namang pambihirang ice cream flavor sa Cebu— na may sahog daw na balut! Kaya n’yo bang tikman itong Balut ice cream?

Sari-saring dance challenges ang nag-viral kamakailan sa social media. Siyempre, hindi magpapahuli ang AHA! Ituturo namin sa inyo ang ilang dance challenges na prutas-inspired pa!

Naisip n’yo ba kung ano ang ginagawa ng alaga n’yong pusa tuwing aalis kayo ng bahay o kung matutulog na kayo sa gabi? Sundan natin ang isang araw sa buhay nila at alamin natin ang mga itinatagong lihim ni Muning!

Magbigay-pugay tayo sa ilang ka-AHA kids na magsho-show-and-tell ng ipinagmamalaki nilang talento at galing.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.

Tags: plug, pr