Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

AHA-mazing magic tricks ni Migo Adecer, tunghayan sa 'AHA!'



Hindi lang pala tao ang may beauty contest.  Sa katatapos lang na ToyCon, pati mga manyika, rumampa at nagpagandahan din! Mag-throwback din tayo ng mga sinaunang toy dolls na pinaglaruan nina mommy at lola.

Isa sa mga sumikat na laruan noong dekada nobenta ang Tamiya race cars. Pero alam n’yo bang hanggang ngayon ay sikat pa rin ang mga ito? Silipin natin ang mga pangyayari sa isang makapigil-hiningang karera ng mga Tamiya car.

Boring ba pag maulan at hindi kayo makalabas ng bahay? Puwede pa rin kayong magpaandar sa inyong mga kaibigan sa pamamagitan ng ilang AHA-mazing tricks gaya ng Multiplying Coins, Disappearing Matchsticks, Hand in the Box, at iba pa.

Paano nga ba gumawa ng short video gamit ang patok na digital application na Tik Tok? Tuklasin natin sa pamamagitan ng quick tutorial ng mga hot and trending app sa ngayon.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.