Siyensiya sa likod ng shadow play, alamin sa 'AHA!'
APRIL 8, 2018
Ang ‘anino’ ay nakikita kapag may isang bagay na tumatakip sa pinanggagalingan ng liwanag. Ngayong Linggo, alamin natin ang lahat ng dapat nating malaman at matutuhan tungkol sa mga anino. May iba’t ibang uri ba ang anino? Ano ang mga gamit nito?
Silipin din ang paghahanda para makapagsagawa ng isang modernong shadow play. At tuklasin din ang iba’t ibang laro gamit ang anino kasama ang super cute na si Professor Pao-Pao!
Kilalanin ang isang Pinoy mentalist na kaya raw makita ang mga bagay sa paligid niya na ‘di gumagamit ng mga mata. Posible nga ba ito?
At alamin ang kuwento sa likod ng paborito nating super soft, colorful at sweet na marshmallows.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.