Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Viral Luksong-Baka Jumpers ng Valenzuela, bibida sa 'AHA!'


 

 

Kamakailan, nag-viral ang video ang ilang mga kabataang may ginawang bagong twist sa tradisyonal na larong Pinoy na luksong-baka. Paano nga ba nila nagagawa ang pambihirang husay sa pagtalon? Hahamunin din natin ang isang grupo ng mga dancer kung kakayanin ba nila ang kakaibang luksong-baka na ito.

Hindi lang simbolo ng kamatayan o pang-horror ang bungo, dahil may ilang ginagamit na rin itong motif at imahe sa kanilang sining. Sundan ang isang simpleng DIY project kung paano gumawa ng isang skull art sculpture.

Karaniwan, mabilis malanta ang mga bulaklak. Ano-ano nga ba itong iba’t ibang paraan ng flower preservation para mapahaba ang buhay at huwag agad malanta o mabulok ang isang bulaklak? Alamin ‘yan sa kakaibang kuwento ni “Beauty and the HypeBeast”.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.