Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Justice League, ngayong Linggo sa AHA!


 

 

 

 

 

JUNE 25, 2017

Sa espesyal na segment na ‘Let’s Do It! Let’s Drew It!’, makikipagkulitan ang Kapuso actor and basketball player na si Andre Paras. Kakasa kaya si Andre sa mga hamon ni Drew gaya ng AHA! Walang Tatawa Challenge, Bean Boozled game at ang nagbabalik na Bart Simpsons game?

Sa iba pang AHA-mazing stories, kilalanin ang misteryosong nilalang na may ulo raw ng leon at kambing, may buntot ng ahas at umano’y bumubuga ng apoy na parang dragon!  Bakit nga ba may mga hayop na sa biglang tingin ay tila ‘combo version’ o pinagsamang mga hayop ang itsura? Ano-ano ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba?   'Yan ang aalamin ni RuRu Madrid. 

Halos lahat yata ay nakapaglaro na gamit ang goma or rubber bands. Ngayong linggo, matuto ng ilang rubber band tricks na puwede n’yo ibida sa barkada.   Maging simpleng DIY (do-it-yourself) toys gamit ang rubber bands, ituturo sa inyo ng super cute na si Professor PaoPao.

Sino-sino ang mga superheroes na miyembro ng Justice League? Kilalanin natin sila sa isang espesyal na music video.