Iba't ibang katangian ng isang bulkan, alamin sa 'AHA!'
JUNE 4, 2017
Alam n’yo na ba ang kuwentong bayan tungkol kay Daragang Magayon na siyang pinagmulan daw ng Mayon Volcano? Pero kung siyensiya naman ang tatanungin, paano nga ba nabubuo ang isang bulkan? Alamin ang iba’t ibang katangian ng pambihirang anyong-lupa na ito at kung ano ang dahilan ng pagsabog nito.
Mahilig ba kayong mag-selfie? Hindi na kailangan magdala ng malalaki at mabibigat na cameras dahil paliit na nang paliit na ang mga nauusong camera ngayon at ang isa rito ala drone camera pa! Alamin din ang AHA-mazing functions ng mga bagong ‘mini selfie cameras’ na ito.
Nagbabalik ang special segment na ‘Let’s Drew It!’ kung saan hahamunin naman ni Drew ang young Kapuso star na si Gabbi Garcia sa ating ‘AHA-stig challenge?’
AT! Abangan ang music video ng Meant2Be boy na si Ivan Dorschner kung saan mapapa-“Can’t Stop the Spinning” tayo!
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, pagkatapos ng One Piece sa GMA.