Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Endemic species na 'sinarapan,' alamin sa 'AHA!'
_2017_05_19_21_50_27.png)
Alam n’yo ba kung ano ang ‘sinarapan?’ Ito ay isang maliit na uri ng isda na endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas partikular sa Camarines Sur. Itinuturing itong pinakamaliit na edible at commercially harvested fish sa buong mundo. Ano-ano nga ba ang mga katangian nito? Paano ito hinuhuli, inaalagaan at pinararami upang huwag manganib na maubos o mawala ang species na ito? Iyan ang aalamin ni Ka-AHAng Denise Barbacena na dumaan sa matitinding obstacles bago nahanap ang sinarapan.
Malaki ang bahagi ng tubig sa ating buhay. Katunayan, ang average adult human body ay binubuo ng 60 hanggang 70 percent na tubig. Alamin natin ang mga benepisyo ng tubig sa tao. Totoo nga bang may natural tayong affinity o pagkahilig sa tubig? Lahat ng iyan, matutunan natin sa gitna ng pakikipaglaban ng matitipunong Water Warriors. Kung sino sila, abangan!
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
More Videos
Most Popular